Saturday, July 25, 2009

Another Fairytale Story ( The Beauty and The Best )


Second

Aba akalain mo nga naman .. Nandito pala si Ms. Ewan... Kanina lang tumatakbo siya sa isipan ko
ngayon biglang na sa likod ko na.. At tingnan mo.. Kunwari makikita mo... Nakaupo siya , nakaharap din sa bintana.. Gaya gaya.. Ang kinaibahan lang, tila Mars o Jupiter pa tinatanaw nya..

Lalong napakunot nuo ko.. Marahil kung nagpaderma ako at nagpa-tangal ng kulubot sa muka kay Belo.. Marahil aabot ako ng million babayaran ko sa sobrang dami ng kulubot ko ngayon.. ASAR!! asar, asar, asar, asar!! Bakit nya nasabi yun? Anu dahilan nya!? Kayamot talaga.. Kahit
magtanong ako ng magtanong wala naman akong mapapala.. Wala naman siyang ESP para sagutin bigla mga tanong ko.. Isa lang dapat gawin.. Tanungin ko siya mismo...

Nag-iba ako ng puwesto ng pagkakaupo.. Umupo ako patalikod sa bintana.. Tiningnan ko siya ng ubod kong talim ng mga mata.. Kung naglalaro ka ng Ragnarok, marahil nasa +10 na sa sobrang talim ng mga mata ko.. Ang ordinaryong tao, kapag napagmasdan ko na, tumatakbo na sa sobrang takot.. Pero sa kanya.. WAEPEK!! Parang wala ako sa harapan nya..

Humarap muli ako sa mesa.. Nagsalukbaba at humarap sa bintana.. Asar gustong gusto ko talagang malaman kung bakit niya nasabi yun.. Sa sobrang desperado nako, humarap muli ako sa kanya.. Ngayon naman paharap sa bintana pagkakaupo ko.. Tinititigan ko muli siya...........

...................................................

Wala! Ganun pa din!! Invisible pa din ako sa paningin nya.. Sumilip ako sa bintana.. Wala naman nakaka-interesado , wala naman bangaan, patayan, habulan o kahit parada.. Mga tao lang naglalakad sa bangketa at mga sasakyang dumadaan sa kalasada nakikita ko.. Anu ba tinitingan nito??

Tiningnan ko muli siya, sinundan ko mga mata nya kung anu man tinitingnan niya.. Kung hindi ako nagkakamali, ang mga ulap ang pinagmamasdan niya.. Pinagmasdan ko din ang mga ito.. Anung meron?? Ang mga ulap, unti-unti silang gumagalaw papalayo sa amin.. Ang langit, maaliwalas, masarap ngang pagmasdan.. Bughaw na kalangitan, walang hangang karagatan na lumul
utang...

Anu meron sa langit? Anung meron sa ulap?? Anung meron?? Anung konek?? Di nako nagdalawang isip tanungin siya..

"Ano tinitingnan mo??..."
............................................

Aba parang walang narineg..

Haist.. Hayaan mo na nga.. Bahala kang mag sight seeing diyan..

Mrahil nakita niya akong nag-bugtong hininga.. Tumalikod na ako sa kanya, nilagay ang mga kamay sa desk.. Inihiga ko ang aking muka at ginawang unan ang mga kamay ko.. Pinikit ang mga mata ko at nagpahinga..

Pinilit kong huwag isipin ang nangyari kaninang umaga. . Pero paikot-ikot sa utak ko mga sinabi nya, paulit-ulit kong naririnig ang boses.. ANG ANGAS KO!! ANG ANGAS KO!! ANG ANGAS KO!!

Naputol ang tape recording ng boses nya ng sabihin nya sa akin...

"May hinahanap ako...."

Ang tagal sumagot, hinayaan pa yata akong mag day dreaming.. Itinayo ang ulo ko at humarap sa kaniya..

"Ano naman hinahanap mo??"

Natahimik ng sandali.. Nag-isip pa ata ng sasabihin..

"Yung tao sa dulo ng langit....."

Nagulat ako sa narinig.. Dulo ng langit?? Tao!? Ha!? Anu daw!? Wala na akong matinong
naiisip. Napakamot na lang ako ng ulo..

" Aahh..." Kunwarin alam ko ibig niyang sabihin..
.............

"Sana makita mo hinahanap mo..."

Ewan ko ba bat nasabi ko yun.. Pero siguro ganti ko na sa kaniya yun.. Dulo ng Langit!! Itchura mo!!

Humarap na ako sa desk.. Dumating na pala adviser namin.. Haist.. Mabuti naman ng hindi itong wirdong babae ang nakikita ko..

Hindi na umupo si Mam, seryoso ang tingin sa amin.. Seryosong inilapag ang mga gamit sa mesa.. Seryosong humarap sa chalkboard at seryosong isinulat ang pangalan nya.. Kapag hindi mo pa nahalatang seryoso siya sa dami ng seryosong salita, ewan ko na lang sa iyo..

Ms. Sanchez... Pangalan ba yon?? Apelyido yun e.. Pagkatapos isulat ang pangalan, seryosong humarap sa amin.. Iniayos pa nya mga salamin niya para mas magmukang terror..

At biglang.... Isang pa-cute na boses ang lumabas sa bibig nya.. (O.O)

" Hello classsss... Ako si Ms. Sanchez.. Tawagin nyo na lang akong Ms. S.. Sana magkasundo lahat tayo.."

Napanganga ako.. WATH!!!??? Akala mong kasing bangis ng tigre at ligaw na pusa adviser namin.. May nalalaman pang paasyos ng salamin at seryo-seryosong tingin.. Kung makapag-salita at makipag-kilala parang mga estudyanteng babae nagpapa-cute sa mga crush nila.. Kinabahan pako dun, nag-bugtong hininga na lang ako ng mawala kaba ko.. Mabuti na sa ganyan g
uro namin, kaysa dun sa kabilang section.. Pagkaka-alam ko, bakla daw adviser nila.. EEEWWWW!!!

Nagtatawanan ang mga kaklase ko, gawa ng adviser ko patwitams.. Hinyaan ko na lamang sila, kahit naman ayaw ko magtawanan sila, wala naman akong magagawa... Tumingin ako sa bintana.. Dulo ng langit?? May dulo ba ang langit??

Tanong ko lang?? Bakit bughaw din ang kulay ng langit??

Kasi bughaw din ang dagat.. Tumatama ang ilaw ng araw sa dagat at tumatalbog pabalik sa
langit.. Ng dahil sa frism, na a-adopt ng langit ang ilaw.. Kung green o pink ang kulay ng dagat, panigurado green o pink din and kulay ng langit..

Ngayon kung may teoryang "may dulo ang langit"? Pagkakaalam ko wala.. Nuong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga tao na palapad ang mundo, sa dulo nito ay walang hangang talon at may hanganan ang langit.. Kung lalakbayin mo ang
karagatan , mahuhulog ka sa walang hangang talon pagdating mo sa dulo.. Nag-bago lang ang lahat ng mainbento ni Galileo ang teleskopyo at dun napatunayan na bilog ang mundo.. Ibig sabihin walang hanganan o dulo..

Pero sa taong to!? Nang galing pa ata sa sinaunang panahon para sabihing may dulo ang mundo.. Hindi ba to tumitingin sa globo?? Khit mapa?? I-google ka nya.. Alien yata to e.. Ang wirdo talaga..

Hindi ko na namalayang natulala na ako.. Pero kahit sampung libong taon akong matulala, hindi naman ako masisita.. Nagtatawanan pa rin kasi si Ms. S at mga kikay at kikoy friends nya..

Tumigil lang kanilang kasiyahan ng mapansin ni Ms. S s Ms. Mayabang.. Sino bang hindi makakapansin dito?? Sampung araw na atang nabale leeg nito..

Ngumiti si Ms. S..

"Mga Guys... Ang cute na little girl sa dulo ay bagong ninyong kaklase.. Kakalipat lamang nila galing states.. Sana makasundo din natin siya.."

"Ms.. Pakilala mo naman sarili mo sa amin.."

Tumayo si Ms. Mayabang.. At ako.. Humarap na lang dahil wala akong paki-alam..


"Ako si Jenilyn Mae Evangelista Mercado, JM na lang itawag ninyo sa akin.."

JM?? Galing states.. Halata nga.. At panigurado anak mayaman to.. Pero bakit kaya sila lumipat? Kaya siguro pinagmamasdan niya ang langit dahil miss nya na ang Amerika.. JM?? ang yabang mo!!

Nagsimula ng maturo si Ms. S.. At bawat matapos ang isang subject.. Iba't ibang guro ang pumapasok sa classroom.. Ang mga guro, tulad ng mga estudyante.. Iba-ibang tao..

May gurong mataray, may mahina ang boses, may ma-kwela, may joker, may gwapings na feeling maganda ang katawan pero malaki naman ang tiyan... May fairtale teller, may maganda mag sulat.. Pero kahit ano pa katangian nila o anyo, narito sila upang ipamahagi katalinuhan nila sa mga estudyanteng binyaran sila para gawin yon, at para sa mga batang kulang pa ang kaalaman s
a mundong aming ginagalawan.. Saludo ako sa inyo Mam at Sir.. Sana may matutunan ako!! Haha!!

Hindi pa naman ganun ka-seryoso magturo ang mga guro.. Kaya may oras pa akong humarap sa bintana at mag-isip.. Dulo ng langit?? Tao sa dulo ng langit?? Marahil kung may tao dun, nahulog na siya sa walang hangang talon.. Ang sakit sa ulo!! Wala ng ginawa yang babaeng yan kung hindi pasakitin ulo ko..

KKKRRRIIINGGGGGG!!!!! Kainan na.. Lalabas sana ako ng classroom upang bumili ng maiino
m.. Tumayo ako sa pagkakaup, nag-unat ng konti.. Grabe dami kong ginawa ah.. Haha.. Napansin kong tumitingin pa rin siya sa kalangitan.. Gaano ba kaimportante yung tao sa dulo na un??

Haist.. nakakangawit yang ginagawa niya.. Baka naman may stiffneck lang to at pinagloloko ako.. May padulo-dulo pang nalalaman.. Tinungo ko na lang ang vending machine.. Naghulog ng barya at pindot ang number 5 para sa coke..

Kumain na kaya yon? Hangang kailan ba niya balak tumingin sa kalangitan??

Nag-hulog uli ako ng barya at pinindot muli ang number 5.. Kinuwa ko ang dalawang soft drinks at bumalik sa classroom..

At hayon.. Hindi man gumalaw kahit saglit.. Naroon pa rin siya naka tanaw sa kalangitan..

" Eto.. Uminon ka muna.."


Tumingin sa akin at nagpasalamat.. Kinuwa ang alok ko, at hayon, balik sa favorite hobby, ang tumingin sa kalangitan..

"Kumain ka na ba??"
....................................
"Ahhh... Baka gutom ka na??"
...................................................
Nice talking ha!! Sarap mong kausap...

"Hindi pa.."
"Gusto mong kumain??"
"Wala akong baon..."

Walang baon ka dyan?? Sa yaman mong yan wala kang baon?? Imposible!! Oh Come on!!
........................................................................... Oo nga.. Wala ngang baon...
Inilabas ko ang baonan ko..


" Eto, share tao..."

Tumigin siya sa akin..

"Talaga??"
"Oo.. Kaso, ka-unti lang baka mabitin ka.."
"Ayos lang..... Sa totoo lang wala pa akong kinain mula kaninang umaga..."
"Bakit!?'
................ Hindi nanaman sumagot.. Haist..
"Sige sa iyo na lang..."

At walang atubiling kinain ang baon ko.. Kulang na lang pati mga kubyertos at lalagyanan kainin sa sobrang gutom..
Kahit anak mayaman babaeng to nakakalimot niya pa rin table manners nya.. Pero atlis, nagpaka-totoo siya..
Pinagmasdan ko siya habang kumain.. Hindi ko maiwasang ngumiti...

"Anong problema??''
"Wala.. Ang sarap mo kumain.. Pwedeng patikim??"
"Sayo naman to.. Kaya wag ka ng magpaalam.."

Kinuwa ko ang tinidor,, Tuimikim... SARAP!! Galing talagang magluto ni Mama...

"Masarap ba?"
"Oo.."
"Galing kong magluto no!?.. hihi"

Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti.. Alam ko sa loob ko, sumaya ako..

"Oo na lang.."

Tumawa siya ng mahina at ako ininum na lang ang drinks ko..



KKRRRIINGGGGG!!!!! Uwian na!! Natapos na ang unang araw.. Wala pa naman na assigned na cleaners kaya si Manong Janitor, MJ, muna ang malilinis.. Lumabas ako ng school at dumaan sa patio.. Akalain mo, kaninang umaga lang asar ako sa kanya, at kanina pinakain ko ng bongang bonga..

Paglabas ko ng patio, may napansin akong babae nakatayo sa gate.. Si JM.. Hinihintay nya ba ako? O baka may ibang kasama?? Ewan.. Lumapit na lamang ako ng maka-usisa..

"Sino hinihintay mo?"

Tila nagulat siya ng nakita ako..

"Ahh.. Wala..."
"Ah ok.. Samahan na lang kita hangang sa dumating ang kasama mo.."

Tumingin siya sa akin at ngumitI..

"Salamat sa baon mo.. Salamat din sa pagsasama mo sa akin.."

Tumingi ako sa kanya.. Hindi ko alam, natutuwa akong pagmasdan siya sa tuwing ngumi-ngiti siya.. Umiwas siya ng tingin, dahil na pansin kong namula na siya..

.... At tahimik na naman....

Natapos ang katahimikan ng may pumaradang puting kotse sa harapan namin..

"Sige ma una na ako.."
"Ge.."


At itinaas ko bahagya ang kanan kong kamay..

Sa unang araw na yon.. Alam ko, maraming magbabago.. Simula ngayon....



ITUTULOY

KKRRIINNGGGG!!! UWIAN NA...




Wednesday, July 22, 2009

Another Fairytale Story ( The Beauty and The Best)

First


Unang araw ng pasukan.. 4th yr highschool nako..
Di ko alam kung anong mararamadaman, may isang parte ng sarili ko ang masaya, ang isa ng parte naman ay kinkabahan..

Siya nga pala, ako si Julio Machas Marasigan.. Ang baho no!? Wala akong magagawa ayon ibnigay sa akin ng mga magulang ko.. Idinidikit sa amin ang petsa ng amin kapanganakan.. Nagkataon sa July ako pinangak, kaya naging Julio pangalan ko.. Pero si ate, June pi
nanganak kya ang pangalan... Hulaan mo!! June.. UNFAIR DI BA!? Mas tinatawag ako Jules ng mga kaibigan ko.. Pero minsan asar pa rin ako kasi, idinidikit naman ako sa asawa ni Assunta de Rossi.. ASAR!! Wla na bang magawa mga tao kung hindi asarin ako!??

Bumaba ako sa jeep, at nakita ko na yung patio nag tutuglong sa daanan ng mga sasakyan patungo sa paaralan.. Ika nga ni Spongebob "..this is the path of knowlowdge.." Sana nga may matutunan ako.. At sana magkaroon ako ng KA-IBIGAN.. YUNG MAKAKAINTINDI SA AKIN!!

Anu nga ba gusto ng mga tao? Nung bata ako, lagi tinatanong sa akin ni Mama kung ano gusto ko.. Dahil sa musmos pa lang ako, mga materyal na bagay hinihingi ko.. Laruang kotse, baril-barilan, robot.. MGA LARUAN.. Nag-iiba lang sa bawat taon at edad ngunit iisa p
a rin.. MATERYAL NA BAGAY.. Ako!? Kung tatanungin kung anong gusto ko ngayon, siguro yung bagay na hindi na ako magsasawa o maghahanap pa ng iba.. Oo gusto ko ng mga materyal na bagay, kaso nagsasawa agad ako.. Gusto kong, SUMAYA NA HINDI MATUTUMBASAN NG KAHIT ANONG BAGAY.. Gusto kong MAHANAP ANG TAONG MAMAHALIN AKO KATUMBAS NG PAGMAMAHAL KO SA KANYA AT MAINTINDIHAN SINO MAN AKO! YUN LANG WALA NG IBA!!

Dumaan ako sa patio.. No choice na man kasi ayun lang daan patungong school.. Nakakapagtaka mga tao.. Lahat sila nakatingin sa akin.. Di ko alam kung bakit? Tama naman suot ko ah.. U
nang araw naman ng klase kaya maaring mag-civilian, at kahit naman sila naka-civilian.. Pero bat ba sila nakatingin sa akin? Ng dahil ba sa t-shirt ko? Sa buhok ko? Sa ano!!?? Ka-conscious naman.. Naiirita nako..

Tumigil ako sa gitna na patio at mga taong di mo malaman ang mga trip.. Hangang sa pinaubaya ko na sa bibig ko ang pangyayari..

"Anong meron!?"

Di ko sinasadya mapataas ang tono ng boses ko ngunit eto na lumabas dito.. Sakto pa nagsalubong ang kilay ko at napa kunot ng nuo.. Pero ng dahil sa sinabi ko, ang mga
tao.. NAGKAGULO!!

Ang tipikal na maririnig mo sa taong siga na nakikita sa gitna ng patio at magtatanong kung anung ng yayari.. "nakakatakot naman siya..''

Nakakatakot? Anong nakakatakot sa sinabi ko? Parang nagtanong lang kung anong ng yayari.. Nakakatakot na ba yon? Pwede ba!? Babaw nyo ha!!

Napataas ang kanang kilay ko.. Nagpantig mga tenga ko.. Tumaas BP ko.. Nag malfunction pag process ng utak ko sa pangyayari.. Hangang sa naputol ang mga kababalaghan nagaganap sa patio.. Lahat sila nakatingin, pero hindi na katulad ng nauna.. Nagtataka na sila..

Kung totoo lang itong sitwasyon na ito at hindi lang likha ng imahisnasyon ng aw
tor na gumagawa nito.. Kung totoo lang nakikita nyo at hindi utak at imahisnasyon lang nararanasan nyo ngayon.. Panigurado, MATATAWA KAYO!! Para silang pinag-tripan ni Micheal V. sa yari ka!! Lahat sila nagtatakang nakakanganga.. Hahaha!! Pero maski ako natawa sa sarili ko.. Mula sa error sa isang iglap naging processing please wait......

Isang babae.. Lumapit sa akin..

Sa pagtataka ko di ko na namalayang napagmasdan ko na pala mga mata nga.. Ang mata nya, bilugan, dark brown ang mga pupil, tama lang sa pag lagay ng make-up.. Hindi maarte, hindi din kulang, simple lang.. Dahil nagtagal din naman ang oras ng pagkakatitig ko sa kanya, inabuso ko na.. Tinitigan ko rin muka nga.. Maputi, mapulang pisngi, hindi nya na nga kailangan ng blush-on.. Maitim ang buhok, makimtab, at mukang malambot.. Nagparebond ata.. Pero baka sabihin nya shampoo lang yan.. V-shape layered ang buhok at one sided ang bangs.. Nilagyan nya na lang ng clip para hindi mabuwag ang pagkakaayos.. Classic ang style pero baga
y sa kanya.. Sa pagkakatitig kong yun, alam ko namula ako.. Ang ganda nya..

Naputol pag-scan ng mga mata ko sa kanya ng sabihin niyang..

"Alam mo cute ka sana.. Kaso masyado kang maangas.. Bawasan mo naman!!.."

Ha!? Ano daw!? Ako!? Maangas!? Ano ba ginawa ko para masabi nya yon!? At muli bumalik ang ERROR!! MALFUNCTION BRAIN PROCESS!!

Hinanap ng mga mata ko ang babaeng echusera!! Ngunit sa dami ng mga tao, mukang malabo ko siyang makita.. Ay malabo talaga kong makakita dahil 175-150 ang vision ko.. Wala lang nasabi ko lang ng humaba yung kwento.. Hangang sa nahanap siya ng improve concentrated trie sight ko!! Hayon siya naglalakad papalayo sa akin..

Pero imbis na maasar at habulin ko siya, natulala muli ako sa kanya.. Ang buhok n
ya, sumasayaw sa ihip ng hangin.. Para bang yung sa mga napapanuod sa tv commercial ng sunsilk, palmolive, head and shoulder at rejoice.. SUNOD SA GALAW!! Katunayan daig pa nga nya.. Ang katawan na mala Angel Locsin.. Tila nag aanyaya sa akin.. Hindi ko alam? Sa kabila ng pagka-asar ko sa kanya, may bagay sa kaibuturan ng sarili ko nagbago sa akin.. Tila gusto ko siyang makita ng isa pang pagkakataon..

Naputol muli ang panunuod ko ng shampoo commercial sa patio.. Ang dahilan?? May isang creature na hawig ni makibao ang puting buriko na palabas sa channel 5 shake mo tv mo ang nagsalita.. At ang kapal!! Kaasar talaga!! ".. Ayan buti nga sa kanya.. hihihi.." Kala mo kung sinong maganda kung makatawa parang kabayo talaga..

Nagpatuloy na ako sa paglalakad, iniwan ko mga taong walang magawa.. Bakas sa muka k
o ang pagkaini, ni kahit si Manong Gaurd, si MG, hindi ako magawang batiin..

Nakarating ako sa classroom, maaga pa kaya wala pa class adviser namin.. Binuksan ko ang pinto at muli, nakita ko nanaman mga mukang kanina ko pa kinaasaran.. Siyempre, anu pa nga ba sasabiin nila?? NAKAKATAKOT AKO!!

Binalewala ko na lang mga narinig ko.. Iritado na ako, asar pa ako!! Gandang pagbati sa first day!!

Pumunta ako sa kinauupuaan ko, tig iisang desk at upuang lang sa bawat estudyante at may 25-30 students lang ang capacity ng classroom.. WOW!! Bigatin!! Maganda nga para sa semi-private na school.. Pero sabi ng mga classmate ko, exclusive daw itong schoool na
min.. Ewan bat nasabi nila iyon, ng dahil siguru malayo at malapit sa paanan ng burol kaya esclusive..
Umupo ako sa pangalawa sa dulo, katabi ng bintana.. Sakto ng makapag-isip isip ako..

Bakit nga ba!? Bakit nasabi nung nakakaasar na babae yun!? Sa lahat ng narinig ko kanina sa kanya ako naasar ng todo.. Matatawa pa ako sa mga pinagsasabi ng mga tao na nakakatakot ako, kaysa sa sinabi nyang maangas ako na walang kadahilanan..

Tiningnan ko pananamit ko.. Ok naman ako ah!? Nakasuot ako ng black t-shirt na may naka-print na ".. Wag mo kong tingnan ng masama! Wala akong utang sayo!" na violet ang font color.. Tama lang ang pants ko, hindi naman skinny na katulad sa mga rakista na bakat ang alaga, at maluwag na katulad sa mga gangster na kita ang boxer short.. Naka adidas white rubber shoes lang ako dahil nasa labaha mga chuck taylor at vans ko.. Nagkajacket ako ng may
tribal design, dahil meju malamig kaninang umaga.. Wala naman masama diba!? Anu naman mali sa porma ko?? Kung meron, sabihin mo nga...

Tumingin ako sa reflection ko sa salamin ng bintana.. Tiningnan ko buhok ko, bagsak na long back na kulay itim.. Wala namang balakubak.. Clear model ata ako!! hehe.. Kaso nakakita ako ng nalalag na hibla ng buhok.. Oo nga, CLEAR nga, pati buhok ko naki-clear.. Tiningnan ko mga mata ko.. Light brown mga pupil na medyo mapungay.. Kasi antok pa ako.. Pero minsan kahit hindi ako antok mapungay pa din sila.. Basta mapungay na matamlay.. Sabi ni ate, sayang daw kulay ng mata ko kung hindi ko naman ididilat.. Ano ba magagawa ko kung mabibigat talukap ng mga mata ko!?


Siguru ng dahil nga sa mga mata ko.. Matalim kung tumingin sa tao na para bang laging naghahamon sa mga lalaki, at kung sa mga babae naman ay para bang nagiisnob.. Dagdag pa siguro paglalakad ko kanina.. Ang dalawang kamay ko kasi ay nasa bulsa ng pantalon ko.. Ang laptop bag ko ay nasa likod ko, at talagang presko paglalakad ko kanina.. Tila susugurin ko mga tao sa daanan ko..

Hmpf.. Kahit na ba! Hindi parin tamang sabihin niya yon!! MALI!! MALI!! Nasaktan kaya ako..

Nakasalukbaba ako na nakatingin sa malayo.. Hindi ko na pinansin mga estudyante sa loob ng classroom.. Hindi ko na din namalayan na may tao na sa likod ko.. Tiningnan ko sa salamin ng bintana kung sino ang dumating.. Namulagat mga mupungay kong mata at gumaan bigla ang talukap ko.. Nagulat ako sa nakita kong reflection..

Yung babaeng mayabang.. Nasa likod ko!!

At tumunog ang ending soundtrack ng anime sa utak ko..

ITUTULOY..

PLEASE WAIT..